Anim na karton ng smuggled cigarettes, nasabat; 1 arestado

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang anim na karton ng smuggled cigarettes sa Brgy. Sandoval, Narra, Palawan bandang alas-siyete kagabi, Ika-5 ng Marso.

Ayon sa PNP, ito ay nakumpiska nila mula sa isang 34-anyos na lalaki na pinangalanang si alyas Hajs, residente ng Brgy. Saraza, Brooke’s Point.

Kaugnay nito, wala pang inilalabas ang pulisya kung magkano ang halaga ng mga nasabat na kontrabando habang patuloy ang kanilang imbestigasyon.

Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 (The Graphic Health Warning Law) ang suspek habang ang mga nakumpiskang ilegal na sigarilyo ay nakatakdang iturn-over sa Bureau of Customs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *