Average COVID-19 daily cases sa NCR, bumaba ng 13% -OCTA

Patuloy na bumababa ang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ay batay sa latest report ng OCTA Research Group kung saan nakapagtala ang National Capital Region ng average 829 cases kada araw mula June 9 hanggang 15 na 13 percent decrease mula sa nakaraang linggo.

Ayon sa grupo, ito ay katumbas ng daily attack rate na 6 per 100,000 na naglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng moderate risk classification.

Dagdag ng experts group, nasa 0.69 ang reproduction number sa NCR sa parehong period.

Mayroong 8 percent positivity rate ang NCR na mayroong 35 percent hospital bed occupancy, 46 percent ICU bed occupancy, at 33 percent mechanical ventilator occupancy na lahat ay nasa safe level.

Sinabi pa ng OCTA na lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nasa moderate risk na kung saan ang Navotas ang may pinakamababang ADAR, na sinundan ng Marikina, Caloocan at Malabon. Habang ang Pateros naman ang may pinakamababang average new cases.

Mababatid na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) with some restrictions ang Metro Manila at Bulacan mula ngayong araw hanggang June 30,2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *