Bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte ilang araw makaraang gumaling ang isang babae mula sa Barangay 2.

Ang bagong tinamaan ng sakit ay si Bicol No 64721, 20 anyos na babae mula sa Barangay 6 na kasalukuyang naka- isolate sa Camarines Norte Provincial Hospital makaraang magpositibo ang resulta ng RT PCR test nitong Huwebes, October 27.

Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, wala umanong travel history ang babae.

Dahil dito umaabot na ngayon sa 193 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan mula noong 2020.

Sa bilang na ito 171 ang nakarekober at 21 ang nasawi.

Batay sa datos ng Municipal Health Office, marami sa mga tinatamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan ay mga babae sa age group na 21- 30.

Mayroon ding tinamaan ng COVID- 19 sa age group na 0-5 at 6- 10.

Wala namang naitalang paggamit sa Mercedes Ligtas Covid Center na may nakalaang 43 kama para sa COVID, antigen at confirmed RT PCR at close contact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *