Bahay Pag-Asa sa Camarines Norte bukas na para sa mga kabataang nangangailangan ng pagkalinga

CAMARINES NORTE- Bukas na para sa mga kabataang nangangailangan ng pagkalinga ang kauna-unahang Bahay Pag-asa sa Camarines Norte matapos ang isinagawang blessing at inagurasyon nitong nakatalikod na linggo

Ang Bahay pagasa ay magiging panandaliang tahanan at maaaring kumanlong ng mga kabataan hanggang tatlumpung lalaki na Children in Conflict with the Law o CICL  na may mga edad labing-lima (15) hanggang labing-pitong (17) taong gulang

Maituturing ito na 24-hour child-caring institution na patatakbuhin ng Provincial Government

Bahay Pag-asa ang tawag sa mga reform centers na nilikha sa bisa ng Republic Act 9344 o ang “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” kung saan nakatadhana na 15-anyos ang minimum age para sa criminal responsibility ng mga menor de edad na nakakagawa ng krimen.

Nilikha rin sa ilalim ng R.A. 9344 ang Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) na siyang nangangalaga sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) sa may 55 reform centers sa buong kapuluan.

Nagsisilbi itong pansamantalang tahanan sa mga napabayaan, hindi malaman ang pamilya at nangangailangan ng agarang pag-aruga.

Sila ay pinapakain, may maayos na living quarters, at ginagamot ang sakit sa tulong ng City 0 Provincial Health Office o referral sa mga doktor at ospital.

Sumasailalim din sila ng counselling, individual o group therapy, capability-building at life skills sessions at religious services bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon upang maiangat ang kanilang pagkatao at magkaroon ng kakayahang harapin ang hamon ng buhay paglabas nila ng institusyong ito.

Binibigyan din sila ng edukasyon kung saan may mga batang ine-enrol sa paaralan sa pakikipagtulungan ng Department of Education

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *