BBM, bumisita sa puntod ng ama sa LNMB

Dumalo ang First Family para sa isang holy mass sa puntod ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Kasama ni Pangulong Bongbong Marcos ang First Lady na si Liza Araneta-Marcos; kapatid na si Irene, at ang mga anak na sina Simon at Vincent.

Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye na nagmumula sa Palasyo.

Matatandaaang inilipat ang mga labi ni Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani noong 2016 mula sa Marcos Museum sa Ilocos Norte alinsunod sa utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *