BBM, nais magkaroon ng mas maraming cultural infra para sa pag-unlad ng creative industry

Target umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng scholarships at bumuo ng mas maraming cultural infrastructure sa bansa para sa patuloy na development ng creative industry.

Sa isang press conference, sinabi ni Presidential Adviser for Creative Communications Secretary Paul Soriano na inatasan siya ni Pangulong Marcos na bumuo ng mga plano na tututok sa pagbuo ng mga cultural infrastructure na makakatulong sa mga artists sa Pilipinas.

Aminado naman si Soriano na simula noong itinalaga siya bilang Adviser for Creative Communications noong Oktubre hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin niyang inaaral ang mga istratehiya para sa ikauunlad ng creative sector.

Aniya, bagama’t magkaibang mundo ang political arena at creative industry, naniniwala siyang may magandang patutunguhan ang mga gagawin ng gobyerno para rito.

Sinabi ni Soriano na posibleng sa unang bahagi ng susunod na taon, ma-excute na niya ang kanyang mga programa at plano para sa creative industry.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *