BFP-Sorsogon patuloy ang kampanya vs fire prevention; electrical sources at kitchen fire, pinakadahilan ng mga naitatalang sunog

Nananatiling aktibo ang hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon Provincial Office sa kanilang kampanya upang makaiwas sa mga insidente ng sunog.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay BFP Sorsogon Deputy Provincial Fire Marshall Senior Fire Inspector Sarena Socorro Tolarba, sinabi nito na bukod sa kanilang ‘Oplan Ligtas na Pamayanan” o OLP On the Road Program ay patuloy din ang kanilang ginagawang pagbisita sa mga barangay partikular na sa mga fire prone areas upang magkundukta ng mga seminars sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga residente kung paano makakaiwas sa sunog at mga pamamaraan kung paano ang pag-apula nito.

Aniya, lubha kasing mahalaga na may sapat na kaalaman hinggil sa nasabing mga bagay ang mga residente ng barangay upang sila na ang magsilbing first responders sakaling may maitalang sunog sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, panawagan ng BFP Sorsogon sa publiko lalo na sa mga kabataan na magkaroon ng sapat na oras upang unawain at isabuhay ang pag-iingat sa mga sunog para sa seguridad hindi lamang ng mga ari-arian kundi maging ng buhay.   

Sinabi din ng opisyal na batay sa kanilang record ng mga insidente ng sunog, mga electrical sources at kitchen fire ang madalas na sanhi nito.

Anya, ito umano ang dahilan kung bakit mahalaga na responsable ang bawat isa sa loob ng tahanan pagdating sa paggamit ng mga appliances maging ng mga lutuan kung saan dapat umano na regular na tinitingnan ang mga ito upang malaman kung mayroong leak gayundin ang pagsiguro na nakasara ito kapag hindi ginagamit. Binanggit din nito ang pag-iwas sa paggamit ng mga mga octopus wiring, illegal connection at mga jumper na kadalasang pinagmumulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *