Bicol region nagtala ng 113 na bagong kaso, 58 recoveries at 5 deaths sa COVID-19

BICOL—Sumampa na sa 22,287 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan 113 na panibagong kaso.

Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Masbate na umabot sa 50 kung saan 30 nito ay mula sa Masbate City, lima sa bayan ng Milagros, apat sa bayan ng Aroroy, tigtatlo ang bayan ng Mobo at Uson, tigdalawa ang bayan ng Baleno at Cataingan at isa sa bayan ng Pio V Corpuz.

Ang Camarines Sur ay nagtala ng 34 na bagong kaso kung saan 13 nito ay mula sa Naga City, tigtatatlo ang mga bayan ng Canaman , Libmanan at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Calabanga, Camaligan, Del Gallego, Milaor, Nabua, Pasacao, San Fernando, Sipocot, Siruma, Tigaon at Iriga City.

16 na bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan sampo nito ay mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang bayan ng Juban at Pilar at tig-isa ang bayan ng Bulan at Gubat.

Anim na bagong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Manito at tig-iisa ang mga bayan ng Guinobatan at Libon at mga lungsod ng Legazpi at Tabaco.

Limang bagong kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan tigdalawa ang bayan ng Gigmoto at Pandan at isa sa bayan ng Virac habang dalawang kaso naman na mula sa labas ng rehiyon ang nadagdag.

Samantala, pumalo na sa 18,466 ang total recoveries matapos madagdagan ng 58 kung saan 33 nito ay mula sa Naga City, 11 sa Camarines Sur, tiglima ang Camarines Norte at Sorsogon at apat sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 850 ang death toll matapos na madagdagan ng lima kung saan tatlo nito ay mula sa Camarines Sur at tig-isa ang Albay at Camarines Norte.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *