Bicol region nagtala ng 227 na bagong kaso ng COVID-19; death toll pumalo na sa halos 1.2k

BICOL—Nagtala ng 227 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kung kaya sumampa na sa 40,802 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.

115 sa mga bagong kaso ay mula sa Camarines Sur kung saan 40 nito ay naital sa Naga City, 14 sa Nabua, 12 sa San Fernando, walo sa Tigaon, pito sa Camaligan, lima sa Iriga City, apat sa Cabusao, tigtatlo ang Libmanan at San Jose, tigdadalawa ang Baao, Bato, Bombon, Del Gallego at Ragay at tig-iisa ang Buhi, Bula, Calabanga, Canaman, Goa, Lagonoy, Magarao, Milaor at Pili.

57 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 21 nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa Bulan, tiglima ang Gubat at Irosin, apat sa Juban, tigtatatlo ang Castilla, Pilar at Prieto Diazt, dalawa sa Casiguran at tig-iisa ang Barcelona, Donsol at Matnog.

Ang Albay ay may 48 na bagong kaso kung saan 16 nito ay mula sa Legazpi City, pito sa Daraga, lima sa Ligao City, tig-aapat ang Guinobatan, Polangui at Tiwi, tigdadalawa ang Bacacay, Camalig at Sto. Domingo at tig-isa ang Libon at Tabaco City.

Anim ang mga bagong sa Camarines Norte kung saan tatlo nito ay mula sa Labo at tig-iisa ang Daet, Jose Panganiban at Paracale.

Isang kaso naman ang nadagdag sa Masbate na mula sa bayan ng San Pascual habang zero new positive case ang islang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, pumalo na sa 25,910 ang total recoveries matapos madagdagan ng 130 na mga bagong gumaling kung saan 41 nito ay mula sa Sorsogon, 30 sa Naga City, tig-20 ang Camarines Norte at Camarines Sur at 19 sa Masbate.

Sumampa na rin sa 1, 199 ang death toll matapos magtala ng apat na panibagong nasawi kung saan dalawa nito ay mula sa Sorsogon at dalawa rin sa Camarines Norte.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa serbisyong salud Bikolnon kung saan nakapaloob ang pagsunod sa minimum health standards habang hinihikayat rin ang lahat na makiisa sa resbakuna.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *