Bike Patrol ng MPD, inilunsad sa Sorsogon

Pormal nang inilunsad ng Pulis Kasanggayahan ang ‘Bike mo, I-Patrol mo’ na layong mas mapabilis ang pagresponde sa ilang mga krimen sa lalawigan.

Pinangunahan ni  PRO5 Regional Director BGen Andre Perez Dizon ang paglulunsad at ayon sa kanyang mensahe, noong siya ang director ng Manila Police District (MPD) ay naging epektibo umano sa anti-criminality program ang nasabing programa kung kaya’t naisipan niyang dalhin ito sa Bicol region.

Binigyan diin nito ang kahalagahan ng police visibility na gamit ang bisikleta na isang magandang exercise din para sa mga pulis maliban sa hindi na gagamit ng gasolina.

Hakbang din ito upang mapanatili ang presensya ng pulisya sa mga matataong lugar lalo na ngayong darating na Semana Santa at summer season.

Kaugnay sa launching ng Bike Patrol, isinabay na rin ang tree planting bilang suporta sa Kalikasan Program na 1M Trees Sorsogon Challenge ng Sorsogon Provincial Local Government sa ilalim ng Pulis Makakalikasan at ang Bloodletting na isinagawa sa loob ng Punong Himpilan ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO).

Ang Bike Patrol ay sinuportahan din ng iba’t-ibang Biker’s Association at bike enthusiasts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *