Bilang ng mga nabubuntis sa Naga City ngayong taong 2023, nabawasan

NAGA CITY – Kakaunti lamang ang mga buntis na naitatala ng bawat barangay health center ngayong taon 2023 sa Naga City, pinakakaunting bilang ay sa Barangay San Francisco na may tatlo lamang.

Ayon sa ilang Barangay Health Workers, inaasahan na nila ang ganitong sitwasyon dahil sa masigasig na kampanya ng City Nutrition and Population Office tungkol sa family planning.

Ipinatutupad ito ng mga BHWs sa pamamagitan ng mga contraceptive methods tulad ng condom, pills at injectable para hindi mabuntis ang isang babae.

Sa Barangay Peñafrancia naman ay nasa sampu lamang at ang iba ay nanganak na.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Kagawad Herminia Morada ng naturang barangay na siyang in-charge sa Health and Nutrition, sinabi niyang malaking tulong ang kampanya nila sa family planning, kaya ganito ang resulta.

Ang bilang ng buntis ngayon ay mababa kung ihahambing noong mga nakaraang taon, na masyadong mataas na nagreresulta na maraming anak ang napapabayaan ,may nagkakasakit dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

Mahigpit nilang minomonitor din ang mga bagong panganak, at binibigyan ng mga vitamins para matiyak na malusog ito at ang isinilang na sanggol.      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *