BIR – RDO 64 naglunsad ng ilang programa na magpapagaan sa transaksyon ng taxpayers

CAMARINES NORTE – Naglunsad ng ilang programa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dito sa Camarines Norte na magpapagaan sa transaksyon ng taxpayers.

Kabilang sa inilunsad na programa ng BIR- RDO 64 ang File and Interact with Revenue Collection Officers o FIRST kung saan bago pa man pumunta sa district ay alam na ng taxpayers kung ano ang ipa- file at magkano ang babayaran dahil nakipag usap na ang mga ito sa revenue collection officers na nakatalaga sa lahat ng munisipyo.

Ayon kay Revenue District Officer Reymarie Dela Cruz, malaking tulong ito sa mga taxpayers lalo na sa mga nakatira sa malalayong bayan.

Mayroon din umanong bundled  e-services ang BIR o “Bless”  para sa lahat mula registration hanggang sa pag- file ng tax returns.

Maliban sa mga nabanggit ay mayroon din umano online notification service assistance team o ONSA tang ahensiya na maaaring tawagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *