Pertussis nagagamot at kayang iwasan ayon sa PHO

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Provincial Health Office na nagagamot at kayang iwasan ang sakit na pertussis sa pamamagitan ng tamang mga hakbang.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco importante ang pagpapabakuna lalo na sa mga bata na siyang vulnerable sa nabanggit na sakit. Aniya, nagkakaroon sila ng mga pagpupulong kasama ang mga Municipal Health Office sa guidance ng Department  of Health upang upuan at pag usapan ang mga epektibong hakbang kontra pertussis.

Batay sa pinakahuling report ng PHO, wala pang naitatalang kaso ng pertussis ngayon sa lalawigan. Noong nakaraang linggo ay naglabas ng advisory si Francisco kung saan inilatag dito ang mga dapat gawin para maiwasan ang naturang sakit. Kabilang na dito ang pagsususot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay, social distancing at pagpapabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *