BIR-RDO 64 pinayuhan ang mga taxpayer na i-avail ang bagong programa na tinawag na FIRST

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer sa Camarines Norte na i- avail ang programang File and Interact with Revenue Collection Officers o FIRST.

Sa latest advisory ng BIR- RDO 64 pinayuhan nito ang mga taxpayer na bisitahin muna ang mga Revenue Collection Officer (RCO) na nakabase sa labingdalawang munispyo para sa kanilang queries at clarifications hinggil sa mga requirement ng ahensiya saiba’t- ibang transaksyon na pinoproseso electronically o in person.

Una nang sinabi ni Revenue District Officer Reymarie Dela Cruz na importanteng makipag ugnayan muna sa mga RCO bago pumunta sa district upang alam na ng taxpayers kung ano ang ipa- file at magkano ang  babayaran. Malaking tulong umano ito sa mga taxpayers lalo na sa mga nakatira sa malalayong bayan. Sa pamamagitan din nito ay maiiwasan ang siksikan sa opisina ng BIR sa bayan ng Talisay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *