Pagdami ng mga kaso ng Dengue sa Camarines Norte napigilan na

Napigilan na ang pagdami ng mga kaso ng Dengue sa lalawigan ng Camarines Norte na hindi na gaanong pinoproblema ngayon.

Bagamat hindi nagpresinta ng datos, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet na mayroon pa rin namang naitatalang mga kaso ng Dengue kahit ngayong panahon ng tag- init  pero hindi na marami hindi katulad dati.

Matatandaan na pagpasok pa lang ng 2024 ay tumaas ng husto ang mga kaso ng dengue sa Camarines Norte na pumalo agad sa halos 40 sa unang buwan pa lang.

Sa katunayan, ang Camarines Norte pa nga ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa Bicol Region sa nabanggit na panahon.

Noong Pebrero ay tatlong kaso lang ang naitala at simula noon ay paisa- isa na lang ito.

Bagamat bumaba na ang kaso nito, ipinapayo pa rin ng Provincial Health Office na gawin ang mga hakbang kontra dengue.

Ito ay ang 4’s Search and destroy mosquito breeding sites,  gawin ang self protection measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *