City Government, tiwalang hindi mauuwi sa lockdown ang pagdami ng delta variant cases sa Olongapo

Kumpiyansa ang city government ng Olongapo na hindi mauuwi sa deklarasyon ng enhanced community quarantine ang pagkakaroon ng mga kaso ng delta variant sa lungsod.

Ito ay kahit pa umabot na sa siyam ang naitalang kaso ng mas kinatatakutang variant.

Ayon kay Olongapo Epidemiology Unit Head Dr.Zero mella, naagapan ng mga contact tracer ang pagkalat ng virus mula pa noong matuklasang positibo sa corona virus disease ang mga pasyente kaya di na kumalat pa.

Dahil dito, walang magiging basehan ang Department of Health para irekomendang i-lockdown ang lungsod dahil sa isyu ng mahinang covid19 response.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Wag isawalang bahala ang kati sa lalamunan! Aksyon agad! Poever Cells PowerCells6IN1 6IN1 Salabat Salabat Herbal Ginger Brew NtC Power Cells 6in1 Salabat Herbal Mix Ginger Brew www.a www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *