Comelec Camarines Norte  tumanggap ng 364 aplikasyon sa unang  araw ng  voter registration

CAMARINES NORTE – Umabot sa 364 na aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections sa lalawigan ng Camarines Norte  sa unang araw ng voter registration.

Batay sa datos ng Comelec Provincial Office marami sa nagparehistro ay mga kababaihan na nasa 190 habang nasa 174 naman ang kalalakihan.

Pinakamarami ang nagparehistro sa Daet na may 96 na mas marami ang lalaki na nasa 53 kaysa sa mga kababaihan na nasa 43.

Sinusundan ito ng Mercedes na may 64, Talisay na may 35,  Jose Panganiban 30 at Basud na may may 26.

Pinakakaunti naman ang nagparehistro sa San Lorenzo Ruiz na mayroon lang pito.

Pinakaraming application ay ang Tranfser mula sa ibang bayan na may 159 na aplikasyon at registration na nasa 121. Nasa 27 ang transfer within the same municipality, 22 ang correction of entries, 20 ang application for reactivation, 6 sa transfer with correction of entries at tatlo ang transfer with reactivation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *