Bishop Alarcon pangungunahan ang Concelebrated Mass sa pang-Diyosesis na pagdiriwang ng Ash Wednesday

Pangungunahan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang pang-Diyosesis na pagdiriwang ng Miyerkules ng abo na gaganapin mamayang alas dos ng hapon Paroqquia De San Juan Bautista dito sa Daet.

Inaasahang dadaluhan ito ng mga kaparian, relihiyoso at layko mula sa iba’t-ibang parokya.

Pagkatapos ng misa ay gagawin naman ang Diocesan Way of the Cross na unang pagkakataon  pagkalipas ng tatlong taon.

Mula sa Paroqquia De San Juan Bautisa ay gagawin ang way of the cross patungo sa Holy Trinity Cathedral na dadaan sa mga pangunahing lansangan ng Daet kasama ang imahen ng Poong Nazareno ng Capalonga.

Ang mga tagpo sa bawat station ay hindi imahe ng mga santo kundi gagampanan ng mga tao.

Mababatid na huling nagkaroon ng Diocesan Way of the Cross noong 2020 bago tumama ang COVID-19 pandemic kung saan nagpatupad ng enhanced community quarantine sa buong bansa Marso ng taong iyon.

Nag mga sumunod na taon ay nagkaroon ng pagdiriwang pero mobile way of the cross bilang pagtalima sa health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *