Face-to-face classes sa bayan ng Mercedes suspendido simula ngayong araw, April 26 hanggang April 29

CAMARINES NORTE – Suspendido ang face-to- face classes sa mga pampubiliko at pribadong elementary at secondary schools sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula ngayong araw, April 26 hanggang Lunes, April 29 dahil sa matinding init ng panahon.

Batay sa Executive Order ni Mayor Alexander Pajarillo, ito ay dahil sa mataas na heat index na maaaring maging sanhi ng heat exhaustion at iba pang “severe impact”  dulot ng tuloy- tuloy na exposure sa init ng araw makaraang maitala ang 43 degrees Celsius na heat index kahapon.

Nilinaw sa EO na ang suspension ng face-to- face classes ay patungkol  lang sa mga estudyante sa loob ng educational institutions at  hindi apektado ang ilang aktibidad na isinasaga ng mga guro o ng eskwelahan.

Magpupulong sa Lune sang Local School Board para pag usapan ang sitwasyon sa naturang bayan para makapagbalangkas ng mga stratehiya na naglalayong masiguro ang kapakanan ng mga estudyante partikular ang may kaugnayan sa heat- related risks.

Ang desisyon naman para ma- lift ang EO ay gagawin batay sa kunsultasyon sa Local School Board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *