COVID-19 checkpoints, malaking tulong sa pagbaba ng suplay ng pumapasok na illegal drugs sa Region 2

Malaki umano ang naitulong ng mga itinalagang COVID-19 checkpoints sa pagpapababa ng dumarating na suplay ng illegal drugs sa lambak ng Cagayan.

Ayon kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA Region 2 karamihan sa mga suplay ng iligal na droga ay nagmumula pa sa Metro Manila at kalimitan galing naman sa Kalinga Province ang mga marijuana.

Aniya, iniiwasan din ng ahenysa na maging smuggling site ang rehiyon ng shabu papasok sa bansa kaya naman nagtalaga sila ng coast watch sa mga coastal areas.

Nakikipag-uganayan din aniya sila sa mga mainland parcel services at nagsasagawa ng regular na K9 sweeping upang matiyak na walang naipupuslit na iligal na droga gayundin sa mga airport.

Maliban dito ay tuloy-tuloy din aniya ang kanilang closed coordination sa mga ahensya sa CAR kaya naman mabilis ang apprehension sa mga nagpupuslit ng marijuana galing sa naturang rehiyon.

Dagdag pa ni RD Plaza, sa ngayon ay wala ng namomonitor na malaking illegal drug group sa Region 2 at karamihan sa mga involve sa mga ganitong aktibidad ay mga indibidwal at hindi na organisado.

Malaki ang paniniwala nito na ito ay dahil katuwang na rin ng ahensya sa kampaniya ang mga opsiyal sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *