Dahilan ng madalas na brownout ipinaliwanag ng Canoreco

CAMARINES NORTE- Nagpaliwanag ang pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative sa madalas na nangyaring brownout sa iba’t- ibang lugar s alalawigan.

Sa pagharap sa Sangguniang Bayan ng Daet kahapon ipinaliwanag  Engr. Rojan Panotes ng Corporate Services Department na ang dahilan ng mga scheduled brown out ay dahil sa mga capital expenditures projects at relocation ng mga poste na apektado ng road widening.

Ang kalimitang sanhi naman daw ng mga unscheduled brown out ay dahil sa mga puno na sumasabit at hayop na dumidikit sa linya ng kuryente.

Mayroon din umanong Automatic Load Dropping (ALD) na nangyayari naman kapag kulang ang suplay ng kuryente mula sa power grid.

Ayon naman sa ilang miyembro ng SB nagrereklamo ang mga kunsomidores dahil mahal na nga anila ang bayarin ay madalas pa ang mga nangyayaring brown out.

Sagot naman ni Nina Llabore Aquino, Chief, Regulatory Compliance and Business Planning Division na ang pagtaas ng taripa ay hindi naman nakadepende kung gaano karami o kaunti ang brownouts.

Yung pagtaas natin ng taripa ay hindi po siya nakadepende kung gaano kaunti o kadami yung brownouts natin, yun pong pinapasa natin sa mga member consumers yun po ay halimbawa po sa generation rate yun po yung presyo ng pagbili natin ng kuryente so kung ano po yung mga binili lang natin at kinokolekta rin ng national agencies yun lang din po ang ipapataw namin sa member consumers.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *