Daily COVID-19 cases sa Albay nakitaan ng pagbaba sa pagpasok ng Agosto

BICOL—Nakitaan ng signipikanteng pagbaba ang bilang ng mga natatamaan ng COVID-19 kada araw sa lalawigan ng Albay sa pagpasok ng buwan ng Agosto.

Base sa daily cases record, simula noong Hulyo 30 hanggang ngayong buwan ay hindi na lumalagpas sa 15 ang naitatalang kaso sa probinsya kada araw.

July 29 nang huli itong makapagtala ng lagpas 20 kaso na umabot sa 25 at pagkatapos nito ay mas mababa na ang daily cases.

Kung titingnan ang daily report ng Department of Health (DOH), 12 ang kasong naitala noong July 30, 11 noong July 31, 12 noong August 1, isa noong August 2, 12 noong August 3, 13 noong August 4, tatlo noong August 5, lima noong August 6, pito noong August 7, pito rin noong August 8 at zero new case kahapon, August 9.

Sa ngayon ay bumaba na sa 345 ang aktibong kaso ng sakit mula sa halos 2000 noong Hunyo. 5,122 ang total confirmed cases, 211 ang nasawi habang 4,567 na ang mga gumaling.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *