Mga nabakunahan sa COVID-19 sa Albay, nasa 15% pa lang ng target

BICOL—Umaabot pa lamang sa 15% ng target na 874,900 indibidwal na dapat bakunahan sa COVID-19 ang mga natuturukan sa lalawigan ng Albay.

Sa tala, 49,663 ang bilang ng mga nakatanggap na ng kumpletong vaccine shots sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program. 18,639 nito ay A1 o mga health workers, 11,029 ang A2 o mga senior citizens, 15,004 ang A3 o individuals with comorbidity, 4,849 ang A4 o Frontline personnel in Essential Sectors at 142 sa other priorities.

Mayroon namang 130,289 ang naturukan na ng unang dose kung saan 30,142 ang sa A1, 54,746 sa A2, 37,115 sa A3, 7,744 sa A4 at 542 sa Others.

100% na ang nababakunahan sa target number para sa A1, 48% sa A2, 42% sa A3, 2% pa lang sa A4 habang 0.25% sa Others.

Umaasa ang local na pamahalaan na magtutuloy-tuloy ang dating ng mga bakuna para maging tuloy-tuloy din ang vaccination rollout. Hinihikayat naman ang mga nasa priority groups na magpabakuna na upang makausad na rin sa mga susunod pang nasa priority list.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *