Dalawang butiki bumiyahe mula Florida patungong England

Nakapuslit ang dalawang butiki mula Florida papuntang England matapos itong magtago sa maleta ng isang pamilya.

Ayon kay Mark Goodlad ng Kirton Lindsay, Lincolnshire, England, kakauwi lang ng kanyang pamilya mula Walt Disney World sa Orlando, Florida, nang buksan niya ang isang maleta at natuklasan ang isang pares ng anole lizard na isang kulay berde at isang kulay kayumanggi.

Ayon kay Goodlad na  isa ring beterinaryo, nahuli niya kaagad ang isa sa mga butiki, ngunit kinailangan niyang habulin sa kusina ang isa pa bago ito ligtas na mahuli.

Agad na ipinatawag ang animal rescue officer sa tahanan ni Goodlad at dinala ang mga butiki sa isang reptile specialist para sa pangangalaga.

Ayon sa animal rescue officer na si Dave Holgate, maswerte ang mga butiki na ito matapos mapili ang maleta na pagmamay-ari ng isang beterinaryo na tila alam din kung ano ang dapat gawin upang mapanatili silang ligtas habang nasa biyahe.

Samantala, pinasalamatan naman ng rescue officer ang nasabing pamilya sa pagpapanatiling ligtas sa pares ng butiki na bumiyahe ng 4,300-milya.### TRIXIE BORRAS, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *