Dalawang covid-19 vaccine buss sa Angeles City, Pampanga umarangaka na

Umaarangkada na ang ang dalawang vaccine bus ng Angeles City upang mabigyan ng Covid-19 vaccine ang mga senior citizen sa lungsod.

Ayon sa City Government, ang dalawang bus ay sinadya ng Pamahalaan para puntahan ang matatandang hindi na makalabas sa kanilang bahay kabilang ang mga nakaratay.

Target umano lokal na pamahalaan na mabigyang bakuna ang nasa 70% ng populasyon nito hanggang sa buwan ng Nobyembre.

Sa datos ng Angeles City Senior Citizens Affairs, nasa 462 na senior ang unang batch na pupuntahan ng mobile buses.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod na kumpleto ang medical equipment ng mga naturang sasakyan at sapat din ang mga medical staff dito na mula sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center at City Health Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *