Death toll sa Indonesia football stadium riot, umakyat na sa 174 — official

Umakyat pa sa 174 ang death toll sa riot sa Indonesian football na nagresulta sa stampede noong Linggo.

Ang stampede ay nangyari nang sumunod ang libo-libong galit na fans ng Arema FC nang matalo ang kanilang team sa 3-2 sa visiting team at mahigpit na kalaban na Persebaya Surabaya.

Ang naturang insidente ay ikinasugat din ng 180 iba pa.

Ito ang isa sa world’s deadliest sporting stadium disasters.

Samantala, ipinag-utos na ni President Joko Widodo ang imbestigasyon sa naturang trahedya, at pinarereview narin ang lahat ng football matches.

Maliban dito, ipinag-utos din ni Widodo sa football association ng bansa, na suspendihin ang lahat ng matches hanggang sa makompleto ang “security improvements.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *