Jade Bornea, bukas nang lumaban kay Jerwin Ancajas

Bukas nang lumaban si Filipino contender Jade Bornea sa kanyang kapwa Filipino na si Jerwin Ancajas , sakaling manalo umano ang huli sa kanyang rematch laban kay IBF world super flyweight champion Fernando Martinez, sa susunod na weekend, October 8, sa Dignity Health Sports Park sa California.

Si Bornea, na may 18-0 at 12 knockouts bilang professional boxer, ay kinilala ng IBF bilang no.1 challenger sa 115-pound title.

Una nito, inihayag ni Bornea na hindi siya lalaban kay Ancajas, pero ngayon umano ay gagawin na niya sakaling ipag-utos ng sanctioning body.

Ang 30-anyos na si Ancajas ay nasa kanyang tenth defense ng kanyang dating world title nang matalo ito via unanimous decision kay Martinez noong Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *