DepEd Camarines Sur, nangangamba sa maaaring kaharaping problema sa mababa pang turn out ng Early Registration

CAMARINES SUR- Ilang araw bago matapos ang Early Registration sa June 9, 2023 ng Department of Education para sa academic year 2023-2024, nangangamba ang Camarines Sur Division sa posibleng kaharaping problema sa mababang pang turn out.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Salvador Pelingon, tagapagsalita ng DepEd CamSur na sa kasalukuyan 62, 125 pa palang ang maagang nag parehistro na incoming Kindergarten at Grades 1, 7 at 11. 32% pa lamang it kumpara noong nagdaang academic year. Ayon kasi sa ilang magulang “hindi pa naman deadline”, alaba pa sila.

Kung hindi pa rin aniya samantalahin ang pagkakataon, hindi pa makakasama ang mga anak sa maagang pagpaplano ng DepEd sa bilang ng classrooms, guro, mga gamit, pasilidad at iba pa.  Pagpupunto ni Pelingon mas maganda kung may ideya na ang Kagarawan kung ilang mga mag-aaral ang paghahandaan nila ng resources.

Ngayon may mga pamamaraan na ang mga school heads tulad ng information dissemination, ang iba naman nag babandilyo na sa mga  barangay upang makapaghikayat ng early registrants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *