SSS hinimok ang mga empleyado na i-report ang pang-aabuso ng kanilang mga employer

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga empleado na i- report ang pag- aabuso ng kanilang mga employer lalo na ang hindi pagre- remit ng kanilang contributions.

Sa Press briefing nitong Huwebes, April 25 bago isagawa ang Relief Afforded to Challenged Employers (RACE), pinayuhan ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang mga empleado na ugaliing i- check ang kanilang contributions at loan payments para malaman kung nagagawa ng mga employer ang kanilang obligasyon sa ilalim ng batas.

Binigyang diin ni Robredo na kung mayroong violation ang employer ay ireport ito sa SSS para agarang mabigyan ng aksyon. Kahapon ay isinagawa ang RACE operations na ikatlong pagkakataon na ngayong taon kung saan nasa 11 delingquent employer ang pinuntahan at pinaalalahanang i- settle ang kanilang defficencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *