DepEd: tinanggal na ang non-teaching tasks sa mga guro

Opisyal nang naglabas ang Department of Education (DepEd) ng memorandum na nag-aalis ng mga administrative tasks o non-teaching tasks sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Naglalayon ang DepEd Order No. 002, Series of 2024 o ang memorandum para sa “Immediate Removal of Administrative Tasks of Public School Teachers” na magbigay ng suporta sa mga guro na magturo ng mas mahusay.

Layunin ng ahensya na tanggalin ang mga gawaing pang-administratibo ng mga guro upang mapakinabangan nila ang kanilang oras sa aktwal na pagtuturo sa silid-aralan.

Bukod pa rito, nakasaad rin sa kautusan na maaaring kumuha ng karagdagang kawani ang mga paaralan sa ilalim ng Maintenance at Other Operating Expenses, Job Orders, or Contract of Service.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *