DOH, muling nagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa

Muling nagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan pumalo ito sa 848 nitong Linggo.

Base sa datos ng DOH, muling umakyat ang mga aktibong kaso sa 6,761 mula sa 6,425 na naitala nitong Sabado.

Nasa 3,701 ang kaso sa National Capital Region, 1,302 sa Calabarzon at 650 naman sa Central Luzon.

Samantala, nadagdagan din ang death toll na tumabo sa 60,518 habang nasa 3,633,096 ang kabuuang bilang ng mga narekober laban sa naturang sakit. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *