DOH nagpaalala sa tamang paggamit at disposal ng mga self-administered antigen test kits

Nagpa-alala ang Deparment of Health sa tamang paggamit ng mga self administered antigen test kits.

Ayon kay DOH-Knowledge Management & Information Technology Service chief Dr. Eric Tayag tanging ang mga may sintomas lamang ng COVID-19 ang dapat gumamit ng antigent test kit.

Bago gamitin ang test kit pinayuhan ni Tayag ang publiko na linisin muna ang ilong bago kumuha ng specimen.

Dapat umanong tiyakin na nasusunod ang lahat ng instruction sa self test kit para sa maging akma ang resulta.

Maaari din ayon kay Tayag na magpa-teleconsult bago magsagawa ng self-test kit para magsilbing gabay ang doktor at matiyak na tama ang paggamit nito.

Kasabay nito pinayuhan naman ng DOH official na tiyaking maayos ang dispossal na mga gamit nang antigen test kit sa pamamagitan ng paselyo nito.

Hinimok naman ni Tayag ang publiko na i-report ang anuman ang resulta ng test sa kanilang barangay at manatiling naka-quarantine kahit ano ang resulta lalo na kapag may sintomas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *