DOLE, binawasan ang budget para sa TUPAD program sa 2023

Nahaharap sa fund reduction ang pondo ng assistance program ng gobyerno para sa mga displaced workers sa panukalang budget ng Department of Labor and Employment sa 2023.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na halos lahat naman halos ng programa may karagdagan pondo, bukod dun sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).

Paliwanag ni Laguesma, na binawasan ng ahensya ang pondo para sa TUPAD, sa harap na nagsishift na ang bansa sa new normal.

Batay sa website ng DOLE, ang TUPAD ay nagbibigay ng emergency employment para sa mga Filipino workers na apektado ng pandemya, gaya sa social, economic, at agro-forestry community projects, kung saan ang mga benepisyaryo ay babayaran matapos magtrabaho ng 10 hanggang 30 araw.

Para sa 2023, ipinanukala ng DOLE ang P25.8 billion, na mababa mula sa P36.9 billion na inilaan ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *