Duterte, dadalo sa virtual Asia-Europe Meeting Summit, ngayong linggo

Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit, na virtual na gagawin ngayong araw at bukas.

Ayon sa Office of the President, makikiisa ang pangulo sa kanyang mga counterparts mula sa Asia at Europe sa isang palitan ng pananaw kaugnay sa multilateralism, growth at sustainable development.

Tatalakayin naman ni Duterte ang paksang ‘Rebuilding a Resilient Future,’ kasama ang iba pang international at regional issues sa Second Plenary and Retreat Sessions, sa ikalawang araw ng summit.

Sa panungunguna ng Cambodia, ang pagtitipon ay marka ng ASEM’s 25th anniversary, at mayroong overall theme na “strengthening multilateralism for shared growth.”

Ang ASEM ay isang informal dialogue process sa 53 partners mula sa dalawang continents at sa European Union at sa ASEAN Secretariat, na naglalayung palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Asia at Europe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *