ECQ Classification sa Bicol Region malabong mangyari dahil sa incomplete reports sa Covid-19 case-DILG

LEGAZPI CITY – Nasa desisyon pa rin ng National Inter Agency Task Force (IATF) ang pagdedeklara sa isang rehiyon o probinsya sa pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Atty Arnaldo Escober Jr ang Assistant Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol, malabong maisailalim ang Bicol Region sa ECQ dahil sa hindi tama ang mga reported pagdating sa active cases sa covid 19.

Aniya, hindi umano maayos ang mga data o nirereport ng mga Local Government Unit patungo sa Department of Health (DOH) na aktibong kaso sa covid 19.

Maaaring hindi umano naalis sa listahan ang mga nakarekober na pasyente kung saan naisasabay o naisasama pa rin sa covid active cases ng mga LGU.

Dahil dito dumarami ngayon ang mga aktibong kaso o attack rate ng nasabing rehiyon.

Ayon pa sa ahensya kung ang isang pasyente na asymtomatic at nakarekober sa loob ng 10 or 14 days Quaratine o walang nakitaang sintomas sa naturang sakit kailangan alisin o tanggalin sa bilang na active cases at mailagay ito sa recovery upang hindi na naisasama pa sa bilang ng mga aktibong kaso sa covid 19.

Kung titingnan umano mas marami na ang mga nakakarekober na covid patients kaysa mga nagpositibo sa virus.

Sinabi ng opisyal, kung maaari ay makipagtulungan ang LGU sa pagrereport ng tama at habulin ang tamang data sa active at recovery na covid cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *