Filing ng 2023 Annual Income Tax return hanggang ngayong araw na lang

CAMARINES NORTE – Hanggang ngayong araw na lang, April 15 at wala nang extension na ibibigay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng paghahain ng 2023 Annual Income Tax Return at pagbabayad ng Tax due.

Batay ito sa advisory ng BIR Revenue District Office No 64 na nakabase sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.

Pero hindi tulad ng dati, hindi na kailangang magsiksikan pa sa opisina ng BIR para mag- fila ng AITR’s at magbayad ng tax due.

Maaaring gamitin ng taxpayers ang online services ng BIR.  Ang taxpayer na required na gumamit ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ay kailangang mag- file ng kanilang AITRs electronically at magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng eFPS-Authorized Agent Banks (AABs).

Kung unavailable at hindi ma- access anmg electronic platforms ay maaaring payagan ang manual filing ng AITR.

May inilabas namang listahan ang BIR RDO 64 ng mga authorized agents  sa bayan ng Daet at oras ng banking hours.

Naglabas din ang ahensiya ng guidelines sa para sa filing ng AITR’s at payment ng taxes due.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *