Satellite registration sa mga palengke at iba pang matataong lugar posible ayon sa Comelec

Inihayag ng Commission on Elections ang posibilidad na magsagawa ito ng satellite registration sa kahit sa mga palengke at iba pang matataong lugar.

Ang hindi lang posible ay ang pagsasagawa nito sa mga simbahan lalo na kung isasabay sa oras ng pagsamba.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves, ang Comelec na mismo ang lumalapit sa mga tao para ang mga ito ay makapagparehistro at huwag nang hintayin ang deadline sa September 30 nitong taon.

Sa katunayan, maliban sa pagtungo sa mga Barangay lalo na sa malalayo, ay nagkaroon na rin ng voter registration sa mall sa mga unang linggo ng pagbubukas muli ng voter registration para sa May 2025 national and local elections. Ani Nieves, kaya rin mayroong voter registration kahit Sabado at holiday ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga nagtatrabaho na magparehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *