Go, muling iginiit na hindi siya interesado na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022

Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi siya interesado na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national at local elections, sa kabila ng mga paghihikayat at mataas na tiwala sa kanya mula sa mga mamamayang Pilipino.

Ayon kay Go, bagama’t pamilyar siya sa ilang responsibilidad ng pagiging pangulo, mas gugustuhin umano niyang tumutok sa pagtulong sa mga tao para labanan ang kasalukuyang pandemya.

Inihayag rin nito na hindi pa siya nakisali sa anumang pulong ng kanilang partido na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, dahil mas gugustuhin niyang gumawa ng mga solusyon sa pagtugon sa pandemya sa halip na pag-usapan ang pulitika.

Sa gitna, ipinapaubaya ni Go ang kanyang kapalaran sa Panginoon, sa mga Duterte at sa mga tao na nagbigay umano sa kanya ng pagkakataon na makapagserbisyo.

Sa kabilang dako, suportado ng senador ang TV host na si Willie Revillame sakaling tumakbo ito sa 2022 presidential elections, matapos ang paghimok ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *