Arestado ang public school teacher matapos mahuli sa drug buybust operation ng pulisya sa Quezon, Palawan
Ito ay si Hansel Ubaldo Ordas, 39 anyos, nagtuturo sa mababang paaralan sa munisipyo.
Inaresto ito sa Barangay Tabon, Quezon bandang alas-tres ng umaga ngayong Huwebes, Abril 4 at nakuha umano sa kanya ang pitong (7) pakete ng hinihinalang shabu, motorsiklo at mga pera.
Kasalukuyang nasa Police Station ang suspek.
Samantala, nahaharap ang guro sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.