Gusali na inuupahan ng LGU Kalayaan, pinutulan ng kuryente dahil sa illegal electric connection

Pinutulan ng kuryente ang isang gusali sa San Juan St. Libis road sa Barangay San Pedro Puerto Princesa City nitong Biyernes, March 17, 2023.

Ayon sa Palawan Electric Cooperative, ito ay bunsod ng unauthorized electric connection ng may-ari ng 3 storey building.

Mayroon umanong nagreklamo na isang member- consumer owner ng kooperatiba kung saan iginiit nitong wala umanong mga kaukulang permit ang mga may-ari at wala rin transformer na required sa mga malalaking gusali.

na inilipat umano ng may-ari nito (Richard Ibañez) ang electric connection mula sa isang bunkhouse papunta sa ginagawang 3 storey building na walang electrical permit.

Bunsod nito, inabisuhan ng Paleco ang may-ari na illegal connection ang ginawa nito bago ito binigyan ng 15 araw na palugit subalit hindi ito nakapasa ng requirements at hindi na rin ito binigyan ng extension.

May ipinataw na umano na karampatang parusa sa may ari at ayon pa sa PALECO, new application for electric connection ang dapat isumite ng may-ari para sa bago itinatayo nitong gusali.

Samantala, napag-alaman na sa gusali na pinutulan ng kuryente ay umuupa ang lokal na pamahalaan ng Kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *