Habagat iiral sa Luzon; Ibang bahagi ng PH makakaranas ng magandang panahon

Muling makakaranas ang western parts ng Luzon ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated rains dahil sa southwest monsoon, habang ang ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng magandang panahon.

Ayon sa Pagasa, ang mga lugar sa Ilocos Region, western parts ng Central Luzon gaya ng Zambales at Bataan ang maapektuhan ng habagat.

Sa kabila nito, makakaranas ng ulan ang ibang probinsya pero ito umano ay pulo-pulong dagliang pag-ulan na dulot naman ng mga localized thunderstorms.

Sa ilang bahagi naman ng bansa partikular na sa Visayas at Mindanao area ay inaasahang gaganda na ang panahon, bamaga’t may tsansa na magkakaroon ng pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *