Health programs ng mga LGU apektado sa mababawas na pondo dahil sa implementasyon ng Mandanas law

CAMARINES NORTE- Pinoproblema ngayon ng mga Local Government Unit ang malaking kabawasan sa kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) o tinatawag na ngayong National Tax Allocation (NTA) dahil sa implementasyon ng Mandanas law

Ang bagay na ito ay isa sa mga napag usapan sa ikalawang araw ng Training and Planning Workshop for Universal Health Care na ginaganap ngayon dito sa bayan ng Daet.

Sumentro kasi ang usapan sa Universal Health Care Implementation at Local Health System Level of Maturity.

Ayon sa Planning Officer ng isang Munisipyo mas magiging kritikal sa mga LGU ang susunod na taon dahil sa pagbaba ng IRA na makakaapekto naman sa pagpapatupad ng mga Health programs.

Halimbawa na lamang aniya sa kanilang bayan ay tinatayang nasa P30 milyon piso ang mawawala sa IRA kaya nais nitong malaman kung anong antas na ng maturity level ng ang probinsiya pagdating sa implementasyon ng Universal Health Care.

Ayon naman kay Department of Health Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola minsan nang napag usapan ang bagay na ito sa ginawang Newly Elected Official’s Orientation on Health Sector Reforms kung saan dumalo si DOH Bicol Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino.

Iminungkahi umano noon ng opisyal sa mga Alkalde na gumawa ng position paper para sa posibilidad nang pagdulog sa korte  upang humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng Mandanas ruling.

Sa ngayon ay wala pang ipinapalabas na pahayag ang League of Municipalities (LMP) Camarines Norte Chapter hinggil sa isyu.

Aminado si Iraola na sa ngayon ay hindi pa gaanong mararamdaman ang epekto ng Mandanas law dahil wala pa sa implementasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *