Heart Evangelista, bwineltahan ang isang netizen na tinawag siyang ‘gold digger’

Bwineltahan ni Heart Evangelista ang isang netizen na tinawag siyang ‘gold digger’ sa Twitter.

Ayon sa Tweet ng aktres, “I don’t need anyone to survive. I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that.”

Nauna ng iginiit ni Evangelista sa isang interview na galing umano ang mga bagay na meron siya ngayon sa pagtatrabaho niya sa entertainment industry sa loob ng 23 na taon.

Samantala, matatandaang nilinaw niya sa publiko ang umanoy paggastos niya sa pera ng kanyang asawang si Chiz Escudero kung saan meron silang prenuptial agreement.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *