Higit 200 manggagawa nabakunahan ng SBMA sa Subic Gym

Nabakunahan kontra corona virus disease ang 250 na empleyado ng isang kompanya sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito ay sa pamamagitan ng vaccination roll-out ng Subic Bay Metropolitan Authority nakaraang Huwebes sa Subic Gym kasama ang ilang tauhan ng SBMA na tinurukan ng first dose.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, bahagi ito ng mas pinalakas na vaccination program ng SBMA kung saan ay mayroong storage facility ang SBMA na may total capacity ng 40,000 doses.

Samantala, maliban sa Subic Gym ay may isa pang inoculation site na matatagpuan sa activity center ng Harbor Point Ayala Mall sa SBFZ.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells Tuldukan HERBAL CAPSULE Ang Sakit! FACE FACESHIELD SHIELD Stay strong amidst pandemic! Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *