IATF chair, nagtakda ng mga prerequisites para sa mungkahing face-to-face classes

Nagtakda ng mga kondisyon si Health Secretary Francisco Duque, na siyang head ng policy-making body sa coronavirus response ng gobyerno, sakaling payagan ang pilot testing ng face-to-face classes.

Ayon kay Duque, dapat siguraduhin muna ang mga metrics na walang COVID cases sa isang lugar, nasa low-risk ang kanilang classification o walang napaulat na daily new cases sa nakalipas na 28 araw.

Maliban dito, kailangan rin umanong mabakunahan ang sapat na bilang ng participating teachers at tiyaking ang healthcare system ng mga lokalidad ay capable sa paghawak sa surge ng mga kaso.

Matatandaan na tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang tangkang ibalik ang face-to-face classes, dahil sa banta ng coronavirus transmission, lalo na’t may presensya ng mas nakakahawang COVID-19 variants. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *