Iba’t-ibang grupo, nagsagawa ng kilos protesta kontra-pandaraya sa harap ng tanggapan ng COMELEC

‘Smartmatic ibasura, election system repormahin at hybrid system gamitin.’

Ilan ito sa panawagan ng iba’t-ibang grupo sa isinagawang kilos-protesta kontra pandaraya sa harap ng tanggapan ng Commission on Election o COMELEC sa Intramuros, Maynila kasabay ng ika-51 anibersaryo ng martial law ngayong araw.

Ayon kay Edwin Fernandez ng September 21 reform movement, ipinapanawagan nila na maibasura at itigil ang partisipasyon ng smartmatic sa darating na 2025 elections at i -adapt ang hybrid system.

Naniniwala kasi aniya sila na mayroong nangyaring pandaraya sa electronic transmission sa nakaraang 2022 elections.

Sa pamamagitan ng hybrid system, nais ng grupo na maging manual ang voting at counting at ang gawing automated nag transmission ng resulta.

Sa pamamaraang ito, hindi na raw kailangan humingi ang poll body ng 29.3 billion na pondo para ipambili ng fully automated voting machines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *