Pondo para sa informal settlers at biktima ng kalamidad sa Western Visayas, inaprobahan ng DBM

Pagpapalabas ng pondo para sa informal settlers at biktima ng kalamidad sa Western Visayas, inaprobahan ng DBM

Inaprobahan na ng Department of Budget and Management o DBM ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation o NCA na nagkakahalaga ng 12.259 billion pesos para sa housing assistance sa mga biktima ng kalamidad at resettlement ng mga informal settlers sa Western Visayas.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, 12.059 billion ang ilalaan sa housing assistance ng mga calamity victim, at 200 million naman sa pagtatayo ng apat na unit ng 5 palapag na low-rise residential buildings.

Ang pagpapalabas ng pondo ay suportado ng Special Allotment Release Order o SARO, kung saan nakalahad ang kaukulang halaga, status ng pag gamit ng pondo, at finance accountability reports na beripikado ng DBM.

Ang National Housing Authority o NHA naman ang tanging ahensya na may mandatong tutukan ang nasabing pabahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *