Ilang mag-aaral sa Bicol University, sinang-ayunan ang panukalang batas na magtatag ng legal scholarship at return service program

Sinang-ayunan ng ilang mag-aaral sa Bicol University ang panukalang batas na magtatag ng legal scholarship at return service program na inihain ng isang kongresista sa Albay.

Ayon kay Congressman Jil Bongalon ng Ako Bicol Party list, isinusulong niya ang panukalang batas na ito na naglalayong makapagbigay oportunidad sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataang nagnanais na makapag-aral ng abogasya, subalit, hindi kayang matustusan ang matrikula at mga gastusin sa eswekla.

Ngunit, sa kabila ng benepisyong ito, may kaakibat itong pananagutang magsilbi bilang isang public attorney kapag naipasa na nila ang Philippine Bar at maging ganap nang manananggol.

Sa kabila ng benepisyong hatid ng nasabing panukala, bahagyang hati ang opinyon ng isang mag-aaral na si Joshua, estudyante ng naturang pamantasan na nasa ika-4 na taon na ngayon bilang isang Political Science Student dahil sa ideya ng Return Service Program.

Sa kabilang banda, marami naman ang sumang-ayon at pumabor dito gaya na lamang ng mag-aaral na si Martin, isang 4th year Political Science student sa parehong paaralan.

Maliban pa rito, ipinabot niya rin ang kanyang mensahe para sa mga nangangarap, na patuloy lang ‘pagkat “libre lang naman ito.”

Dagdag pa niya, sa mga nalilito kung magpapatuloy ba sa pag-aabogasya, pag-isipan raw ito ng mabuti at magmuni-muni kung ito nga ba ang gustong tahaking propesyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *