Ilang miyembro ng Hugpong ng pagbabago lumipat na sa Lakas-CMD

Nanumpa na ang ilang matataas na opsiyal ng Davao Oriental upang maging miyembro ng Lakas-CMD ni House Speaker Martin Romualdez.

Kabilang diyan si Vice Governor Nelson Dayanghirang Jr. at limang provincial board member na dating miyembro ng Hugpong ng pagbabago na binuo ni Vice President Sara Duterte.

Si Dayanghirang ay isang kilalang kaalyado ng mga Duterte at dating miyembro ng nacionalista partylist.

Mababatid na may ilang mga miyembro na ng PDP-Laban ang lumipat ng partido sa Lakas-CMD sa gitna ng mga patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na tinawag niyang pinakabulok na institution.

Sinundan naman ito ng paghahain ng resulosyon na humihimok sa gobyerno na makipagtulungan sa International Criminal Court para imbestigahan ang war on drugs ng Duterte Administration.

Sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na dapat irespeto ng mga mababatas ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *