Implementasyon ng icp sa mga police station, tinitiyak ng pro2 sa isinasagawang inspeksyon

Tinitiyak ng Police Regional Office 2 ang istriktong implementasyon ng isinusulong ni PNP Chief Guillermo Eleazar na Intensified Cleanliness Policy (ICP) matapos ang isinagawang inspeksyon sa 4 na police station sa lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, personal na binisita ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ang 4 na istasyon ng pulis upang siguraduhin ang kalinisan ng pasilidad, pagmintina ng peace and order sa nasasakupang komunidad bilang pagsunod sa adbokasiya ng ICP.

Inutusan din niya ang hanay ng kapulisan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa PRO2 Lingkod Bayanihan at BARANGAYanihan upang magkaroon ng maayos na relasyon ang publiko at hanay ng kapulisan.

Kasabay ng isinagawang inspeksyon ay ipinasakamay din sa San Guillermo PS ang 7 galil rifles, 5 galil firearms sa Angadanan PS, 6 na galil rifles sa San Agustin PS habang 7 galil firearms naman ang natanggap ng Jones PS.

Nakatanggap din ang mga ito ng tig-iisang computer set na nakalaan para sa programa ng PNP na e-sumbong at e-serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *